Monday, July 13, 2009

Aking Alinlangan


..Ang mundo'y puno ng taong madamot--dala ng kahirapan, dulot ng pangangailangan..
Bakit pa ba kailangang bigyan ng parangal ang sarili?
'Di ba Bayan muna dapat?
Ako, may pagkakataon bang ako naman ang kanilang maintindihan?
Hindi ako matahimik, nais kong matagpuan ang aking misyon, ang aking kahalagahan.. Maliwanagan kung para saan talaga ang buhay ko..
'Di kaya... 'di lang ako nakahanda? Kailan kaya?
Matatapos kaya ang alinlangan kong ito?
Ewan, mag-aral muna talaga siguro ako bago mamroblema.
Ano nga ba ang gagawin ko?
Magpapatuloy ako, pero paano?..

Hinanakit


Sa mga oras na naiipit,

Mga paratang ay ginigiit,

Maling kahapon ay binabalik,

Dulot ay muli pang pagkapait.

Kailan lilinaw ang sarili sa kanila

At nang maliwanagan kanilang pang-unawa?

Gano'n ba talagang lagi silang tama

Para ang panig natin ay ibalewala?

Tayong mga kabataan, sagutin man ang magulang,

Tayo man ang may punto ay hindi pa rin pakikinggan,

Kakayahang magsalita ay tiyak na magkukulang

Upang pagdadahilan ay tuluyang maunawaan...

Thursday, July 9, 2009

Lipad ng Buhay


Ako'y isang ibon: malawak ang nilalakbay, saan-saan napapadpad... Iba-iba ang nakakahalubilong kapwa ibon, pero sa iisang hangin lang din natatangay.. Lumilipad lang ako, walang matirhan. Ni 'di makakita ng tamang tahanan. Wala akong makain, kahit ano lang basta pantawid-pagod sa buong araw na paglibot. Ang hirap kapag tag-ulan; basa ang pakpak, walang masilungan. Ang hirap kapag gabi; gutom, walang matulugan.Ngunit ang liwanag ang nagbibigay lakas para sa panibagong hanging tatahakin, sa bagong araw na sasalubungin. Sana makita ko na ang Liwanag--ilaw ng buhay, pag-asa at kinabukasan...