Monday, July 13, 2009

Hinanakit


Sa mga oras na naiipit,

Mga paratang ay ginigiit,

Maling kahapon ay binabalik,

Dulot ay muli pang pagkapait.

Kailan lilinaw ang sarili sa kanila

At nang maliwanagan kanilang pang-unawa?

Gano'n ba talagang lagi silang tama

Para ang panig natin ay ibalewala?

Tayong mga kabataan, sagutin man ang magulang,

Tayo man ang may punto ay hindi pa rin pakikinggan,

Kakayahang magsalita ay tiyak na magkukulang

Upang pagdadahilan ay tuluyang maunawaan...

0 comments:

Post a Comment