Sunday, January 17, 2010

Film review, "Si Juan Tamad..."



October 26, 2009
“Si Juan, ang Diyablo at ang Limang milyong boto.”
October 15, 2009 nang ihatid ulit kami ni Direk Bong sa PETA, nang alukin s’ya ng kaibigan n’yang si Julie. Mga virgin voters ang inencourage na manood ng isang libreng dula! Ang “Si Juan Tamad, ang Diyablo at ang Limang milyong boto”
Maswerte kami at napag-ipunan namin ang exposure trip na iyon, anyways ay nagkaroon din naman ng chance manood ang APCAS students of Tanghalang Tatsulok(na hindi nakasabay sa b’yahe namin) para mag-give way for their Final Exams. Sa loob ng PETA ay may isang malaking board na pinagdidikitan ng mga “message for the 2010 runner-ups as gov’t officials.” Nagdikit kami doon ng mga suggestions, ngunit ‘di namin inaasahan na mas marami pala kaming masusulat pagkapanood ng dula. Nag-umpisa ang show at excited na ang lahat.
Wow! Vincent de Jesus ala Diyablo (“Jack Sparrow” style) ang bumungad sa tanghalan, kasabay ng mga energetic dancers na nag-intro:”Isang dula patungkol sa Isla Filiminimon na naglalarawan sa isang batang Filimini na si Juan Tamad.” Pero parang gustong mabago ang istorya ng “Hari ng batugan at walang patutunguhan” na si Juan Tamad.
Agad tinumbok ang relasyong mamamayan at pulitiko sa mga aksyon nila sa bayan, ipinakita ang mga hanap-buhay ng mga tao. Sabay singit ng isang pahayag, ”Bumoto sa darating na halalan.” Nakabibiglang nag-react ang isang babae (actually ang babaeng “Insyang” ‘yun, alam ko) ng “Kailangan nang palitan ang kurakot na pinuno dahil wala naman s’yang ginawang mabuti sa Isla Filiminimon!” Samantalang kay Juan pa rin nakatuon ang istorya at sa pag-singit-singit ng diyablo, pinakikita pa rin nang malinaw ang karapatan natin sa pagboto; ngunit naisingit din ang pag-ayaw ni Juan sa proseso at nagbabalak mangibang bansa pagka-graduate, mabuti pa daw du’n sa ibang bansa ay kikita s’ya at nang sumipag naman s’ya.
Isang pahayag ang hindi kayang bigkasin ni Juan, “I can change!” Sabay punta ng istorya sa dating konsehala na lola ni Juan at may-ari ng “Lo Laba Shop” at sinasabi na malapit na ang eleks’yon at maririnig muli ang tinig ng bawat Filimini, ang pangarap ba ng mamamayan ay makakamtan sa halalan? Juan, isa itong paghamon : “Gagawa ka ng paraan…”
Sa eleksyon ay magiging automated na daw, ngunit maiiwasan ba ang dagdag-bawas na boto? Ang paghuhugas-kamay at pagmamalinis ng mga magkakasabwat ba’y maiiwasan na? ang sabi nga, “Go with the flow, wash your hands.”
Tong si Juan Tamad ay napag-isipang magparehistro; ang reklamador na bida ay nagtanong, “Ako na ang nagregister, ako pa ang magdadala ng ballpen?” Sa eleksyon, bawal ang MEGA at bawal din ang nakasimangot. So eto na ang kampanya, ang perya!!
Eleksyon 2010 na, dapat bantayan ang bawat boto. Sa 80 milyong Filimini, Limampung milyon ang rehistrado at sa mga rehistrado, limang milyon ang manggagaling sa kabataan. Nagpatuloy ang pagtatalo ng diyablo at ni Juan sa kwentong tila walng mabuting kahihinatnan. Election canvassing na… walang pampagawa ng school, mahal ang gasolina, walang panggamot – sino kaya ang mananalo?
Ayon kay Maryang Batibat (si “Insyang” ulit, another character), may pagbabago daw nang s’ya ang manalo. Gabay sa pulitiko, mangingibabaw ang pasya ng nakararami. Timbangin ang nanalo para sa bayan. Kumilos ng tama para sa bayan. Wow naman, ang tambakan daw ay magiging venue ng sportsfest! Talagang makatutulong ang youth camps for helping the community… pero umaasa pa rin tayong may mangyaring pagbabago, may patutunguhan ba ang paghihintay dito?
Nanatili si Juan sa estado ng katamaran. Tama ban a ihambing si Juan A.K.A. Mr. Batugs sa bayabas? Pareho ba talaga silang ”tuod?” “Hinintay mangyari ang nangyari, hinintay na lumipas ang lahat, samantalang matagal na panahon ang sinayang ko…” Ito ang sabi ni Juan, samantalang ang isa pang “Juan” sa katauhan ni Diyablo ay nagngingitngit na sa walang patutunguhang takbo ng kwento. Away ang dalawa, “Hindi lang ako nanonood sa mga nangyayari, nangangakong ‘di ko na pababayaan. Gagawa na ako ng paraan…”
Naaksidente si Lola sa tulay! Kung may ginawa lang si Juan hinding hindi ito mangyayari. Kailangan nang gumalaw! “Tatlong buwan , buong bayan maiging perya. Siyam na pung araw ang mga hudas ay magpapakitang gilas.” Alin sa mga sirkero ang pipiliin – ang may sakit at nanggaling sa mahirap, ang magaling manakot, ang papogi, o ang mahilig sa sayawan at raket? “Trapo” ang tawag sa mga ‘di na binoboto pero nananalo, “rug” sa Slang language at “traditional politicians” as combined clips to form “trapo.” Isang paglalarawan pa sa mga pulitiko na gumagamit ng grasya o pera, pati showbiz.
Ang mga pulitiko ay inihahambing sa manok, alin ba ang manok mo – kayumanggi o tisoy? Nangingitlog ng ginto? Mahaba ang tuka at makinis ang hita? Sino’ng tuwid?
Ang pabertdey ng Lola ni Juan ay may courtesy of Bernardo Bungisngis, at balak din daw na regaluhan ang mga kagawad. Pa-style style pa… “Ang iba d’yan, matagal nang bulok ang pangalan, pinatatamis lang ng pera…” Sabi nga ni Juan, sana parang bayabas ang mga pulitiko para medaling malasahan kung alin ang bulok. Pinaiiral kasi ang power, money at greed ng mga dati nang opisyal. Ang salot, “ikaw ang nagdedesisyon…”
Ang “3Es” ayon sa mahusay na pagpili ng kandidato ay ang (1)Effective. Na kayang gampanan ang responsibilidad at tunay na nagtatrabaho, (2)Ethical. Na matibay ang prinsipyo at nagpapatakbo ayon sa batas, at (3)Empowering. Na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat.
Bakit ganito ang pulitika? Kabilang pa rin ang mga patay sa halalan, at gagamitin pa daw ang mga biktima sa nagdaang Bagyong Ondoy at Pepeng para sa eleksyon. “Ang dumi ng pulitika, hindi natin ito kayang labhan…”
“Bakit pa kailangang maghintay, kumuha na ng sagwan at pumunta sa ilog! Huwag nang mag-isip basta kayang gawin, ‘wag magsayang ng oras!”
“Huwag ibalewala ang pagiging ordinaryong mamamayan… kapag nakalimutan na ng mga opisyal ang kanilang tungkulin, tayo mismo ang gagawa. Responsibilidad ng lahat ang gumalaw.”
Tama ang sinabi ni Lola, dadating din ang panahon na magiging masipag si Juan. Natalo ang diyablo, ngunit totoo bang occasionally involved citizen lang tayo? Laging magreact, pero mas magandang kumilos na habang bata.
“Ang lagslas ay lalakas, kabutihang hindi magwawakas. Iyan ang batas ng kalikasan.”
Natapos ang play na tulala at nagpapalakpakan ang lahat. Binigyan ng chance magtanong sa mga actors at ‘di pinalampas. Para sa’kin, ngayon eh mas luminaw ang isip ko. Magpaparehistro na ako para may patunguhan ang maliit na lagaslas mula sa aking isang boto.
=>Blain






0 comments:

Post a Comment